Magbibigay ang ilang mall owners ng libreng overnight parking para sa mga posibleng maapektuhan ng Super Typhoon Inday.
Ito ay matapos na sumulat si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Romando Artes sa mga may-ari ng mall na magbigay ng espasyo sa mga maapektuhan ng bagyo simula mamayang gabi.
Sa ambush interview sa Pasig City, sinabi ni Artes na aprubado na ang hiling hindi lamang dito sa Metro Manila pero pati na rin sa mga sangay ng mall na dadaanan ng bagyo.
Nagpaalala naman ang MMDA na overnight pay lang ang pinag-usapan na mawe-waive pero nakadepende na umano sa mga establisyimento kung ano pa ang pwede nilang ibigay na amenities sa mga maapektuhan ng bagyo.
Kabilang sa mga magbibigay ng libreng overnight parking ang SM Mall, Robinsons Mall, bukod dito may alok din silang libreng wifi at charging station. | ulat ni Diane Lear