Target ng Department of Education (DepEd) na makumpelto ang pag-eempleyo ng 10,000 School Counselor Associates (SCA) hanggang September ng taong ito.
Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, sinabi ni DepEd Undersecretary Wilfredo Cabral na ianprubahan na ng Civil Service Commission (CSC) ang qualification standards kaugnay ng hiring ng mga SCA.
Ito ang naging tugon ng opisyal sa tanong ni Senate President Sherwin Gatchalian nang tanungin nito ang update sa inirekomenda nilang pagkuha ng mga SSCA na pinondohan na rin ng 2 billion pesos ngayong taon.
Para aniya ito matugunan ang mga karahasan at bullying sa mga paaralan.
Sa ngayon, ayon kay Cabral, inaayos na lang ang mga kailangang notice of organizaation, staffing and compensation acction para makumpleto ang hiring.
Sa kabila nito, aminado ang undersecretary na hindi pa rin sapat angg 10,000 SCA para matugunan ang pangangailangan ng halos 46,000 public schools.
Dahil dito, ipaprayoridad nila ang mga paaralan na itinuturing na bullying hotspots para sa pagdedeploy ng mga SCA. | ulat ni Nimfa Asuncion