Tiniyak ni Senate President Sherwin Gatchalian na magpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte hangga’t walang inilalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema.
Tugon ito ni Escudero sa inihaing ‘very urgent manaifestation with motion’ ng isang grupo ng mga abugado sa SC nitong Lunes.
Kinukwestiyon ng grupo ang pagkakahalal ni Senador Chiz Escudero bilang presiding officer ng impeachment court na ibinatay sa rule amendment na ginawa ng Senado noong June 3, 2026 session.
Sa isang panayam, sinabi ni Gatchalian na nabasa na niya ang petisyon kung saan hinihiling ng grupo na maglabas ang SC ng status quo ante order at TRO na hindi iginawad ng Korte.
Kung sa tingin aniya ng SC na magkakaroon ng irreparable damage ang pagpapatuloy ng impeachment trial, ay naglabas na ito ng TRO.
Pero dahil walang inilabas ang Korte Suprema ay magpapatuloy lang ang impeachment trial. | ulat ni Nimfa Asuncion