Napapakinabangan na ng mga estudyante at guro ng San Francisco High School sa Quezon City ang bagong four-storey, 36-classroom building na ipinalit sa gusaling nasunog noong nakaraang taon.
Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bagong pasilidad nitong June 10, 2026, kasama sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, at Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Ayon kay Dizon, siniguro ng DPWH na compliant sa National Building Code ang gusali upang maiwasan ang kahalintulad na insidente ng sunog at matugunan ang kakulangan sa silid-aralan.
Inaasahang makatutulong ang bagong school building upang tuluyan nang maalis ang double-shifting classes sa paaralan at makapagbigay ng mas ligtas at maayos na learning environment para sa mga mag-aaral.
