Isinusulong ng Sandiganbayan 6th Division ang pagsasama o pag-consolidate ng kaso ni Senador Rodante Marcoleta at negosyanteng si Joseph Espiritu kaugnay ng umano’y paglabag sa Presidential Decree No. 46 sa nakabinbing plunder case sa Sandiganbayan 3rd Division, kung tatanggapin ito ng naturang dibisyon.
Sa inilabas nitong resolusyon, sinabi ng 6th Division na ang kasong paglabag sa PD No. 46, na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na tumanggap ng regalo sa mga pribadong indibidwal ay nag-ugat din sa parehong mga pangyayari na naging batayan ng plunder case.
Ayon sa korte, pareho rin ang mga partido, testigo, at mga ebidensyang ihaharap sa dalawang kaso.
Paliwanag ng 6th Division, ang pagsasama ng mga kaso ay makatutulong para mapabilis ang paglilitis, at maiwasan ang magkakasalungat na desisyon.
Samantala, naglabas naman ang Sandiganbayan 4th Division ng Warrant of Arrest at Hold Departure Order laban kina Senador Marcoleta at dating Representative Mike Defensor kaugnay ng kasong paglabag sa PD 46.
Itinakda ng korte ang piyansa sa ₱30,000 bawat akusado.
