Tumanggap ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng 100 Smart television units mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), bilang suporta sa digitalization at public service initiatives ng lungsod.
Pormal na iniabot ang donasyon nina PAGCOR Assistant Vice President Eric Balcos at Senior Manager Rydel De Guzman kina Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza sa isinagawang turnover ceremony sa Manila City Hall.
Ayon sa pamahalaang lungsod, makatutulong ang mga Smart TV sa nagpapatuloy na modernization efforts ng Maynila para mas mapabuti ang operasyon at paghahatid ng serbisyo publiko.
Tiniyak ni Domagoso na gagamitin nang responsable ang mga donasyong natatanggap ng lungsod at pakikinabangan ito ng mga residente ng Maynila.

