Umabot na sa halos 500 doktor ang naipakalat sa mga geographically isolated and disadvantaged areas ng bansa.
Ito ang inanunsiyo ng Palasyo base na din sa datos ng Department of Health sa gitna ng pinaiigting na programa nitong DOH Doctors to the Barrios (DTTB) program.
Ayon kay Palace Press Officer PCO Undersecretary Claire Castro, sentro din ng deployment ng mga pampublikong manggagamot ang mga fourth, fifth, at sixth class municipalities na nakararanas ng kakulangan ng mga doktor.
At alinsunod pa rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay mas pinadali at mas pinabilis na rin ngayon ng ahensya ang pagkuha ng medical assistance.
Kahit sino, sabi ni Castro, ay puwede nang makakuha ng medical assistance mula sa DOH sa pamamagitan ng Electronic Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients.