Mag-iisang dekada matapos ang arbitral ruling sa West Philippine Sea, nananatiling malaking porsyento ng mga Pilipino ang suportado ang tugon ng gobyerno sa usapin ng West Philippine Sea.
Sa pinakahuling Tugon ng Masa survey, lumalabas na 66% ng adult Filipinos ang pabor sa pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa alitan sa teritoryo sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at China.
Nasa 13% naman ang hindi sumasang-ayon, habang 19% ang hindi makapagsabi ng tiyak na pananaw.
Pinakamataas ang antas ng pagsang-ayon sa National Capital Region na umabot sa 70%, sinundan ng Balance Luzon na may 68%, Visayas na may 65%, at Mindanao na may 62%.
Ayon sa OCTA, ipinapakita ng survey ang matatag at tuloy-tuloy na suporta ng mga Pilipino sa paninindigan ng pamahalaan sa WPS.
Isinagawa ang survey mula April 20-24 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents.