Kasunod ng muling pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon, agad na nagpadala ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang lumikas sa mga apektadong lugar.
Kabilang sa pinadalhan ng family food packs ang mga residenteng pansamantalang nananatili sa Masulog Elementary School at JBCMHS–Uptown Campus, na nagsisilbing evacuation centers.
Sa ngayon, patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya para matiyak ang maagap na paghahatid ng kinakailangang tulong at suporta sa mga komunidad na naapektuhan ng pagputok ng bulkan.