Nakatakdang dinggin ngayong umaga sa Sandiganbayan 3rd Division ang isinumiteng ulat ng PNP-CIDG hinggil sa lagay ng kalusugan ni Sen. Rodante Marcoleta, na kasalukuyang nasa PNP General Hospital.
Batay sa resolusyon ng korte, nagsumite ang PNP-CIDG ng certificate of detention at medical abstract ni Marcoleta, gayundin ang hiwalay na compliance mula sa PNP Health Service General Hospital na may kalakip ding medical abstract.
Dahil dito, inatasan ng Sandiganbayan ang personal na pagdalo sa pagdinig ng mga opisyal ng PNP-CIDG, PNP Health Service, at Quezon City Jail–Male Dormitory ng BJMP, kabilang ang kanilang mga medical personnel.
Inatasan ding dumalo ang prosecution at mga abogado ng lahat ng akusado para sa pagtalakay sa mga isinumiteng dokumento kaugnay ng kalagayan ni Marcoleta.
Una nang sinabi ng PNP na hindi pa ma-commit ang senador sa regular na piitan dahil sa unstable na medical condition.