Screenshot
Muling isasailalim sa Yellow alert ang Visayas Grid ngayong araw, bunsod pa rin ng manipis na suplay ng kuryente
Batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Phlippines (NGCP), iiral ang Yellow alert mula ala-5 ng hapon hanggang alas-8 mamayang gabi.
Nabatid na mayroong 11 planta ng kuryente ang bagsak habang nasa 15 planta naman ang tumatakbo subalit nasa derated capacities o kulang sa suplay.
Bukod sa hindi paggana ng malalaking coal plants, mataas din ang demand forecast sa kuryente na dahilan ng pagtataas ng Yellow alert sa naturang Grid.