Photo Courtesy of PHIVOLCS
Nakapagtala ang PHIVOLCS ng limang volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras, batay sa ulat ng ahensya ngayong July, 2026.
Nasa 64 tonelada kada araw ang sulfur dioxide flux ng naturang bulkan, batay sa pinakahuling monitoring ng ahensya noong July 8, 2026.
Naitala rin ang panandaliang pamamaga ng bulkan.
Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan, kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at ang pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-kilometrong Extended Danger Zone (EDZ) sa timog-silangang bahagi ng bulkan.
Ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan. Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na maaaring maganap anumang oras ang biglaang phreatic explosion o pagsabog na dulot ng singaw.