Hinamon ni retired Senior Associate Justice Antonio Carpio ang China na dalhin sa International Court of Justice (ICJ) ang usapin kaugnay ng kanilang pahayag na bahagi ng China ang Batanes.
Ani Carpio, hindi uurungan ng Pilipinas ang naturang kaso at isasama rin sa pagtalakay ang usapin sa Kalayaan Island Group at Bajo de Masinloc.
Mas makabubuti sa China kung kaya nilang patunayan ang lahat ng pinagsasabi ng kanilang mga scholar hinggil sa pagiging parte ng Taiwan ng Batanes na direkta namang iniuugnay sa hurisdiksiyon ng China.
Hindi kasi uubra na basta na lang inaangkin ng China ang alinmang teritoryo na nais nitong mapasakamay at ito nga ang Batanes Islands.