Photo courtesy of Bureau of Customs (BOC) Facebook
Nagdeklara ng pinaigting na kampanya laban sa smuggling ang National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Customs (BOC) matapos makasamsam ng 59 container ng mga illegal na sigarilyong nagkakahalaga ng mahigit ₱3 bilyong.
Pinangunahan nina NBI Director Melvin Matibag at BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang inspeksiyon sa 25 container na nagkakahalaga ng halos ₱980 milyon, sa Gothong Wharf sa Mandaue City.
Naharang ang mga kargamento batay sa impormasyong nakalap ng NBI, habang nasa kustodiya rin ng pamahalaan ang iba pang nasamsam na container.
Tiniyak nina Matibag at Nepomuceno, na paiigtingin ang pagbabahagi ng intelligence information, magkatuwang na operasyon, at pagsasampa ng kaso laban sa mga indibidwal at negosyong sangkot sa illegal na kalakalan.