Dagdag-sahod sa buong bansa, tuloy-tuloy ayon sa DOLE
Inihayag ni Labor Secretary Francis Tolentino na sa darating na July 25 ay tuloy-tuloy na ang pagpapatupad ng dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner.
Ito’y matapos maantala ang pagpapatupad nito na sana ay July 19.
Paliwanag ni Secretary Tolentino, naantala ang publication hinggil sa nasabing wage hike, na isa sa mga pangunahing proseso ng DOLE.
Aniya, sisimulan ang wage hike sa National Capital Region (NCR) bago ipatupad sa Region IV-A, Region VII, at Central Luzon.
Matatandaang uunahin ang P60 na dagdag sa mga minimum wage na manggagawa, saka isusunod ang dagdag na P25 sa 2027.