Screenshot
Mahigpit pa rin ang monitoring ng PHIVOLCS sa Bulkang Taal sa Batangas matapos itong magkaroon ng mahinang pagsabog kagabi.
Ayon sa PHIVOLCS, isang minor phreatomagmatic eruption o pagbuga ng usok at abo ang nadetect sa maincrater ng taal bandang 8:27 kagabi at tumagal ng tatlong minuto.
Ayon sa PHIVOLCS, umabot ng 1,200 metro ang taas ng usok at abo mula sa bulkan.
Paliwanag ng PHIVOLCS, bunsod pa rin ito ng nagpapatuloy na upwelling ng mainit na volcanic gas sa Taal Volcano.
Sa ngayon, nananatili sa Alert level 1 ang Bulkang Taal.