Isinumite na para sa resolusyon ng Sandiganbayan Second Division ang hiling ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na alisin siya bilang akusado sa graft case kaugnay ng umano’y mga anomalya sa flood control projects at payagan siyang maging state witness.
Kinontra ito ng kampo ni Senador Jinggoy Estrada.
Ayon sa kanila, mababago ang teorya ng prosekusyon at maaapektuhan ang kanilang depensa sa kaso.
Iginiit naman ng mga prosecutor na hindi maaapektuhan ang kaso ng iba pang mga akusado.
Ayon sa prosekusyon, kahit mawala ang conspiracy theory, sapat pa rin ang mga elemento ng graft.
Samantala, sinabi ng kampo ni Bonoan na wala siyang immunity agreement sa Office of the Ombudsman. Iginiit din nilang wala siyang tinanggap na kickback at handa siyang makipagtulungan sa kaso kung aalisin siya bilang akusado.