Nagsimula nang mamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan din ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Aabot sa mahigit 7,700 benepisyaryo ang unang nakatanggap ng tig P5,175 tulong pinansyal sa payout na isinagawa sa Oval Plaza sa General Santos City.
Ayon sa DSWD, maaaring gamitin ang ayuda sa pang-araw-araw na pangangailangan at sa unti-unting pagpapanumbalik ng kanilang kabuhayan habang patuloy na bumabangon mula sa epekto ng kalamidad.
Bahagi din ito ng disaster recovery efforts ng pamahalaan sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para mapabilis ang pagbangon ng mga komunidad na naapektuhan ng lindol.
📸 DSWD

