Pormal nang inilunsad ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD) Caravan sa National Museum of Natural History bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Resilience Month ngayong Hulyo.
Tampok sa caravan ang mga kagamitan, teknolohiya at pamamaraang ginagamit ng MCDRRMD sa pagtugon sa mga emergency at kalamidad.
Bukas ito sa publiko hanggang July 24, 2026 upang magbigay ng impormasyon at kasanayan sa disaster preparedness.
Magsasagawa rin ng mga demonstrasyon sa tamang CPR at iba pang life-saving techniques sa pagdiriwang ng National CPR Day sa July 17.
📸 Manila LGU

