Handa ang Criminal investigation and Detection Group (CIDG) na iharap sa Sandiganbayan 3rd Division si Senador Rodante Marcoleta ngayong umaga.
Ito ang inihayag ni CIDG – National Capital Region (NCR) Director, Police Col. John Guiagui matapos sumailalim sa pagsusuri ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) si Marcoleta kahapon.
Ayon kay Guiagui, binigyan ng “fit to travel” clearance si Marcoleta ng mga doktor na sumuri sa kaniya sa naturang ospital alinsunod na rin sa kautusan ng anti-graft court.
Mabilis na sumailalim sa serye ng mga pagsusuri ang senador gaya ng 2D Echo, X-ray, Complete Blood Count (CBC), respiratory assessment, at physical examination.
Magugunitang inatasan ng Sandiganbayan ang CIDG na dalhin sa UP-PGH si Marcoleta para bigyang daan ang pagsasagawa ng third-party assessment sa kalagayan ng mambabatas.
Ganap na alas-8:30 ngayong umaga isasagawa ang pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division sa kasong Plunder, dahil sa hindi nito pagdedeklara ng mahigit ₱75 milyong campaign contribution.