Matagumpay na isinagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) at Peruvian Navy ang multinational Humanitarian Assistance and Disaster Relief Exercise bilang bahagi ng sea phase ng Rim of the Pacific Exercise 2026 o RIMPAC 2026.
Isinagawa ang aktibidad upang palakasin ang koordinasyon at kakayahan ng mga kalahok sa pagtugon sa mga sakuna at maritime emergency.
Kabilang sa pagsasanay ang simulated medical evacuation gamit ang helicopter ng Peruvian Navy, kung saan isang tauhan ng PCG ang gumanap na casualty.
Nagsagawa rin ng sail past exercise upang hasain ang sabayang pagmamaniobra, komunikasyon, at pagtutulungan ng mga yunit sa karagatan.
📸 PCG

