Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na bahagyang tataas ang transmission rate sa July 2026 electric bill matapos umakyat ng 10.18% ang ancillary services (AS) rates.
Dahil dito, tumaas sa ₱1.4604 kada kilowatt-hour (kWh) ang equivalent average transmission rate para sa June 2026 billing period mula sa ₱1.4492/kWh noong Mayo.
Ayon sa NGCP, ang ancillary services ay mga pass-through cost para sa suplay ng kuryenteng ibinibigay ng mga power generator na nagsisilbing ancillary services providers sa panahon ng supply-demand imbalance.
Nilinaw din ng NGCP na wala itong kinikita sa ancillary service charges dahil ang mga ito ay direktang ipinapasa sa generation companies.
Samantala, bumaba ang transmission wheeling rate, o bayad sa paghahatid ng kuryente sa transmission grid, sa ₱0.5058/kWh noong June mula sa ₱0.5607/kWh noong May. | ulat ni Diane Lear