May kakayahan si Vice President Sara Duterte na isakatuparan ang kanyang banta sa buhay ng pinakamataas na opisyal ng bansa dahil na rin sa impluwensya at background ng kanyang pamilya.
Ito ang binigyang-diin ni National Bureau of Investigation (NBI) Regional Director Atty. Jeremy Lotoc nang tanungin siya ni Senate President Sherwin Gatchalian sa pagpapatuloy ng ikalimang araw ng impeachment trial sa Senado.
Ayon kay Lotoc, hindi dapat balewalain ang binitiwang banta ng Bise Presidente.
Ipinaliwanag ng opisyal na bukod sa pagiging ikalawang pinakamataas na pinuno ng Pilipinas, mabigat din ang impluwensya ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte nahaharap ngayon sa kaso sa International Criminal Court (ICC) dahil sa mga extrajudicial killings. | ulat ni Melany Reyes