Iginiit ni National Bureau of Investigation (NBI) Director, Atty. Melvin Matibag na nasa kamay na ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang kahihinatnan ng kaso ng pagkalunod ng dalawang student-athlete ng Ateneo De Manila University.
Ayon kay Matibag, pormal na nilang naisumite sa DOJ ang kanilang kumpletong imbestigasyon gayundin ang mga inirekomendang kaso para kina dating Ateneo Men’s Basketball Coach Tab Baldwin at 11 pang indibidwal.
Sa ngayon, naisagawa na ng NBI ang kanilang parte sa pag-iimbestiga kung saan kanilang ikinonsidera ang lahat ng nakalap nilang ebidensiya at impormasyon, kaugnay ng mga inirekomendang kaso at ngayon ay nasa DOJ na ang bola hinggil sa kahihinatnan ng kaso.