Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na walang mangyayaring anomang taas-presyo sa mga agricultural products sa kabila ng naramdamang bagyo at habagat.
Tiniyak ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa na nananatiling sapat ang suplay ng agri products sa bansa kabilang na rito ang bigas, gulay, at maging karne.
Sa katunayan mas bumaba pa ngayon ang presyo ng karneng baboy, senyales na sapat ang suplay nito.
Naging malaking tulong din ang mga ipinatutupad na hakbang ng Department of Agriculture (DA) upang matiyak ang food security at mabantayan din ang mga pamilihan at palengke upang matiyak na walang pananamantala sa presyo ng mga bilihin.