Patuloy ang pag-asiste ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) upang mas mapataas pa ang kalidad ng mga produktong inilalabas at ibinebenta sa merkado.
Sa isang MSME Conference, hinikayat ni DTI Assistant Secretary for Regional Operations Group Grace Baluyan ang mga MSME na tangkilikin at gamitin ang mga Shared Service Facility (SSF) na mayroong mga processing machinery na makakatulong sa produksiyon ng mga produkto ng mga MSME.
Sa tulong din ng SSF mas mapapataas ang kalidad ng mga produkto upang mapataas ang purchase value nito nang hindi na kinakailangan pa ng mga MSME na bumili ng mga mamahaling processing equipment.
Patuloy din ang pagpapalakas ng DTI sa kapasidad ng mga MSME sa tulong ng capacity-building programs at mas malawak na access sa Shared Service Facility.