Photo courtesy: Goderich Fire Department
Halos 3,500 na insidente ng sunog tumupok sa mahigit na 4.8 million acres sa Canada kung saan 12 wildfires ang naitala sa Ontario.
Batay sa ulat ng CNN, nakarating na rin ang usok ng mga wildfire sa border ng Estados Unidos partikular sa New York at Boston.
Samantala, nagtaas din ng alerto ang U.S. authorities sa Chicago at Detroit.
Ang usok mula sa wildfires ay naglalaman ng pollutants na makakaapekto sa baga na maaaring magresulta sa hirap sa paghinga, magpalala ng diabetes, sakit sa puso, at iba pang health conditions.
Matatandaan na taong 2023 naitala ang mas matataas na bilang ng wildfire sa Canada na umabot sa 4,300 wildfire incidence na tumupok sa 25 million acres sa Canada.