Muling nakatanggap ng Unmodified Opinion ang Department of Transportation (DOTr) mula sa Commission on Audit (COA) makaraan ang humigit-kumulang 30 taon.
Kasunod ito ng pag-review ng COA sa Consolidated Financial Statements ng ahensya para sa Fiscal Year 2025.
Ang Unmodified Opinion ay nangangahulugang tama at kumpleto ang financial statements ng DOTr batay sa rules, regulations, at standards na itinakda ng ahensya.
Ang DOTr ay isa sa mga ahensya na nakakatanggap ng malaking budget at pinahahalagahan nila ang tiwala na nakuha tungo sa maayos na paggamit ng pondo.
Samantala, nakatanggap din ng Unmodified Opinion ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa Fiscal Year 2025.
Para sa DILG, resulta ito ng tuluy-tuloy na pagsisikap ng ahensya para palakasin ang internal controls, mapabuti ang financial management systems at tiyakin ang responsableng paggamit ng public funds.
Anila, ang pagkilalang ito ay nagpapatunay na kwalipikadong muli ang DILG na makipaglaban para sa Outstanding Accounting Offices award.
Ito na ang ikaanim na magkakasunod na nakatanggap ng Unmodified Opinion ang DILG.