Sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan, at sa harap ng pinangangambahang pagtaas pa ng presyo ng krudo, agad na kumilos ang pamahalaan upang ipaabot sa mga sektor na pinaka-apektado ng gulo sa Middle East ang nararapat na tulong sa mga ito.
“Ngayong araw, pinalawak pa natin ang suportang ito sa pamamagitan ng UPLIFT Assistance. Sa ilalim ng programang ito, mabibigyan ng agarang tulong ang pito’t kalahating milyong kabahayan o 37 at kalahati na milyong Pilipino sa buong bansa.” — Pangulong Marcos.
Ngayong araw (July 16), inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang one-time na karagdagang P2,000 na tulong-pinansyal sa mga benepisyaryo ng 4Ps.
“Makakatanggap ng isang beses na karagdagang tulong na hanggang ₱2,000 ang tatlo’t kalahating milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at yung Walang Gutom Program.” — Pangulong Marcos.
Gayundin ang isa’t kalahating milyong manggagawa at kanilang mga pamilya na mayroong mababang kita na nakumpirma sa talaan ng Social Security System (SSS).
Makakatanggap ang mga ito ng P2,000 kada buwan simula ngayong Hulyo hanggang sa Disyembre.
Pangako ng Pangulo, titiyakin ng pamahalaan na maipagkaloob ang tulong na ito nang mabilis, maayos, at mas maginhawa para sa mga Pilipino sa pamamagitan ng digital na pamamaraan.
“Sa ating pagkakaisa at pagtutulungan, mapapanatili natin ang katatagan ng ating bansa at maisusulong ang isang mas maunlad na kinabukasan para sa lahat sa ilalim ng isang Bagong Pilipinas.” — Pangulong Marcos.
tunay ba ito at paano??
Sana mapili po ako
Kasi isa akong employe na mababang sahod lang..
Sana mapansin ako ng Sss.