Nagdagdag ang Maritime Industry Authority (MARINA) ng bagong feature sa SRB and SID Online Appointment System sa eGovPH app upang mas mapadali ang pagkuha ng appointment ng mga Pilipinong seafarer.
Sa ilalim ng bagong sistema, awtomatikong muling bubuksan ang dating regular appointment slot kapag pinili ng seafarer ang expedited processing at matagumpay na itong naproseso.
Dahil dito, inaasahang madaragdagan ng hanggang 340 ang appointment slots kada araw sa lahat ng processing center ng MARINA sa buong bansa.
Lilitaw ang mga bakanteng slot sa iba’t ibang oras sa buong maghapon upang maiwasan ang pagsasayang ng appointment at mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga seafarer na makapili ng kanilang nais na iskedyul.