Ibinida ng National Food Authority (NFA) na climate-resilient na ang mga warehouse nila na itinayo at isinaayos bilang paghahanda sa anomang uri ng kalamidad mapa-bagyo man o lindol.
Sa panayam ng programang BOSES, sinabi ni NFA Administrator Dr. Larry Lacson na hindi lang malalakas na bagyo ang kayang salagin ng kanilang warehouses kundi maging ang malalakas na lindol.
Tinitiyak din ng NFA na ligtas kontra ulan ang mga buffer stock na bigas dahil oras na tumama ang isang bagyo o malakas na ulan dulot ng Habagat ay tinatakpan pa nila ng lona ang mga naka-stock na bigas.
Binigyang-diin din ng NFA na patuloy ang kanilang pagpapahusay sa mga storage facility ng bigas upang matiyak na mas tatagal ang shelf-life ng bigas at nananatili itong dekalidad.