Pinuri ni Senador Ping Lacson ang University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) sa pagsasagawa at pagsusumite nito sa Sandiganbayan ng isang patas na medikal na pagsusuri kay Senador Rodante Marcoleta.
Una nang iniutos ng Sandiganbayan ang hiwalay na medical examination b.kay Marcoleta sa PGH para matukoy kung kinakailangan pa siyang manatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital (PNP-GH).
Matapos makita sa resulta ng pagsusuri ng PGH na wala nang kondisyong medikal na nangangailangan ng patuloy na pananatili ni Marcoleta sa ospital, iniutos ng anti-graft court ang kanyang paglilipat sa bagong Quezon City Jail sa Barangay Payatas.
Nauna nang binatikos ni Lacson ang aniya’y paulit-ulit na pattern ng pagpapaospital ng ilang kilalang personalidad na nasasangkot sa mga kasong kriminal o pinapatawan ng contempt ng Senado.
Sinabinrin ng senador na sa pagtalakay ng panukala lng 2027 national budget ay tatanuningin niya kung sino ang sasagot sa gastos sa pananatili nina dating DPWH secretary Manuel Bonoan at Marcoleta sa PNP-GH, na aniya’y pangunahing nakalaan para sa mga tauhan ng PNP at kanilang mga dependent.
Aniya, may mga ulat na may ilang benepisyaryo ng ospital ang hindi na natatanggap kahit sila ay may karapatang mapaglingkuran nito. | ulat ni Nimfa Asuncion