Balik Pilipinas na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang tatlong araw na matagumpay na working visit sa Singapore.
Sa post visit statement ng pangulo, ibinahagi nito ang ilan sa mga ibinunga ng kaliwa’t kanang aktibidad niya doon.
Sa naging pulong kasama si Singaporean Prime Minister Lawrence Wong, natalakay ang pagpapa-igting ng bilateral trade sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.
Gayunrin ang paggamit sa oportunidad bunsod ng artificial intelligence, at pagpapatatag ng balikatan sa linya ng kalusugan at social development.
Samantala, nagkaroon din ng pagkakataon ang pangulo na makapulong ang iba’t ibang business leaders sa kaniyang working visit.
“These business engagements, covering digital technology, telecommunications, data infrastructure, AI, and healthcare, reaffirm Singaporean investors’ strong confidence in the Philippine economy and the support that they will give to our country’s vision of becoming a competitive, innovation-driven, and future-ready investment destination.” —Pangulong Marcos.
Kabilang dito ang ABC Impact, kung saan tinalakay ang mga hakbang para sa pagpapalawak ng access ng mga Pilipino sa de kalidad na healthcare services.
Gayunrin ang Singtel Group, kung saan tinalakay ang mga inisyatibo sa pagpapalawak ng pamumuhunan sa digital infrastructure ng Pilipinas, na makakatulong nang malaki sa digital transformation ng bansa.
“I highlighted the Philippines’ position as a strategic investment destination in Southeast Asia, supported by a growing digital economy, a skilled workforce, and a strong reform agenda that continues to attract high-value, technology-driven investments from trusted partners such as Singapore.” —Pangulong Marcos.
Sa roundtable discussion naman ng Milken Institute, kung saan nakasama ni Pangulong Marcos ang business leaders sa Singapore, binigyang diin ng pangulo ang pananatiling matatag at bukas ng Pilipinas para sa mga pamumuhunan.
“As a newly designated upper middle-income country with solid macroeconomic fundamentals, the Philippines offers a secure, transparent, and stable environment for businesses to thrive.” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan