Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng mga naitatalang krimen sa buong bansa, tatlong buwan buhat nang ipatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Safer Cities Initiative.
Batay sa datos ng PNP mula April 6 hanggang July 4, 2026, nakapagtala lamang sila ng 7,883 insidente ng focus crimes kumpara sa 9,506 kaso sa nakaraang tatlong buwan.
Kabilang sa mga krimeng bumaba ang rape, carnapping, physical injury, robbery, theft, homicide, at murder.
Kasabay nito, tumaas naman ng 21.74% ang pagpapatupad ng mga pulis sa mga lokal na ordinansa.
Nagresulta ito sa mahigit 2.82 milyong indibidwal ang naaresto o nahuli dahil sa iba’t ibang paglabag sa mga ordinansa o mahigit 505,000 na mas mataas kaysa sa naunang tatlong buwan.
Matatandaang inilunsad ang Safer Cities Initiative noong April 6, 2026 ng DILG na layong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.