Photo courtesy of Bureau of Internal Revenue (BIR)
Makakatuwang na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para palakasin ang pagpapatupad ng tax compliance sa digital economy.
Sa pulong nina BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza at CICC Executive Director Usec. Aboy Paraiso, tinalakay ang mas mahigpit na koordinasyon sa information sharing, technical assistance, at capacity building para matugunan ang mga hamon sa pagbubuwis ng mga digital business at iba pang online activities.
Pinag-usapan din ng dalawang ahensya ang pagbuo ng isang bagong Memorandum of Agreement (MOA) na magpapalakas sa kanilang pagtutulungan sa digital monitoring, information sharing, at technical collaboration.
Ayon sa BIR, layunin ng inisyatibang ito na matiyak ang patas na pagpapatupad ng mga batas sa pagbubuwis at mapalakas ang tax compliance sa lumalawak na digital business environment.