Photo Courtesy of Presidential Communications Office
Binigyan ng “exceptional” na marka ng isang ekonomista ang naging matagumpay na working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore kung saan nakaharap nito ang Singaporean business leaders at investors.
Sa panayam ng programang BOSES kay Economist at Market Analyst Prof. Astro Del Castillo sinabi nitong nailatag nang maayos ni Pangulong Marcos Jr. ang mga key economic strategic points ng pamahalaan kung saan kabilang na rito ang mga economic reforms na isinusulong ng pamahalaan.
Naging maagap din ang Pangulo na ibida ang pag-angat ng Pilipinas sa upper-middle income status na sinertipika ng World Bank dahilan para lalo pang tumaas ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan at negosyo sa bansa.
Umapela rin si Del Castillo sa pamahalaan na mas matutukan pa ang Ease-of-Doing business measures upang mas makahikayat ng mas maraming investor.
Kaya naman kakambal na nito ang napakalaking benepisyo sa bansa tulad ng dagdag na trabaho at ilan pang oportunidad sa business sector.