Photo Courtesy of Presidential Communications Office
Inilarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga nakapulong nitong malalaking negosyante sa Singapore ang Pilipinas bilang isang matatag at bukas na destinasyon para sa pamumuhunan.
Ito ang binigyang diin ng Pangulo sa ginawang roundtable discussion na inorganisa ng Philippine Embassy sa Singapore at Milken Institute, isang non-profit and non-partisan think tank na nagtitipon- tipon ng mga lider mula sa business, finance, gobyerno pati na sa mga pilantropo.
Sa harap ng regional business leaders ay inihayag ng Punong Ehekutibo na sa pamamagitan ng economic reforms at malawakang infrastructure program sa Pilipinas ay kaya nitong maging matatag at hindi matitinag sa gitna ng global geopolitical tensions at trade uncertainties.
Kasama din sa nai- highlight ng Pangulo ang pag-angat ng Pilipinas sa upper-middle-income status. Dahil dito ay ginamit ng pagkakataon ng Pangulo ang mga investors na subukan ang mamuhunan sa Pilipinas sa gitna ng mga repormang ikinasa na at makaka- hikayat ng long-term foreign capital.