Alas-nuwebe ngayong umaga, inaasahang daralo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, lalawigan ng Zambales.
Pangungunahan ng Pangulo ang seremonya ng pagtatapos ng PMMA Salighirang Class of 2026.
Makakasama ng Pangulo sina Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez, PMMA Superintendent Joel M. Abutal, Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Shirley C. Agrupis, Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, PN, Flag Officer in Command ng Philippine Navy, at Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil L. Gavan.
Binubuo ang graduating class ng mga kadeteng nagtapos sa Bachelor of Science in Marine Transportation at Bachelor of Science in Marine Engineering, na inaasahang magsisilbi sa industriya ng maritime sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo.
Mahigit 300 kadete ang kabilang sa PMMA Salighirang Class of 2026.