Maituturing na transparent, secured, at isang matatag na business emvironment ang Pilipinas para sa pagyabong ng mga negosyo.
Ito ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay lalo na ngayong kinikilala na ang Pilipinas bilang isang upper-middle income country.
“As a newly designated upper middle-income country with solid macroeconomic fundamentals, the Philippines offers a secure, transparent, and stable environment for businesses to thrive.” — Pangulong Marcos.
Isa ito sa mga ibinida ni Pangulong Marcos sa naganap na roundtable discussion, kasama ang iba’t ibang business leaders, sa Singapore.
Aniya, inilatag niya sa mga ito ang mga mahahalagang investment opportunities na alok ng bansa.
Ibinida rin aniya ng pangulo ang modernized finance at investment infra program Pilipinas, kabilang ang Luzon Economic Corridor (LEC).
Gayundin ang bagong Public-Private Partnership (PPP) Code at Green Lanes para sa Strategic Investments.
Ang mga ito, ayon kay Pangulong Marcos ay nagpapabilis sa pag-usad ng mga proposal at proseso, na nag-aalis sa regulatory bottlenecks.