Walang Gutom Kitchen, hinimok ang publiko na maging volunteer at mag-donate para mapalawak pa ang operasyon kontra gutom
Patuloy ang panghihikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na maging mga volunteer o di kaya’y magbigay ng donasyon para makatulong sa tuloy-tuloy na operasyon ng Walang Gutom Kitchen.
Ayon kay Walang Gutom Kitchen Officer-in-Charge Ramil Mapoy malaking tulong ang nagiging donasyon ng mga indibidwal, grupo, kompanya o organisasyon upang mapakain ang mga indibidwal na labis na nangangailangan.
Bukas na bukas din ang Walang Gutom Kitchen at ang DSWD para sa mga indibidwal at organisasyong nais maging katuwang sa paghahanda at pamamahagi ng pagkain.