Photo Courtesy of BOC
Pinuri ng Philippine Iron & Steel Institute (PISI) at Cement Manufacturers Association of the Philippines (CeMAP) si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno dahil sa matatag na koleksiyon at patuloy na reporma sa ahensiya.
Ayon sa dalawang pangunahing katuwang ng BOC sa industriya, kapansin-pansin ang mas propesyonal, transparent, at serbisyong nakatuon sa publiko na proseso sa customs. Sinabi ng PISI na ang pamumuno ni Nepomuceno at dedikasyon ng mga kawani ng BOC ay nagsisiguro na ang bawat pisong nakokolekta ay para sa sambayanang Pilipino.
Ipinahayag naman ng CeMAP ang suporta nito sa mas malalim na ugnayan sa BOC upang maisulong ang mas episyente, epektibo, at globally competitive na customs administration. Anila, makatutulong ang mga reporma sa mas mabilis na kalakalan, patas na kompetisyon, at paglago ng ekonomiya.
Nagpasalamat naman si Commissioner Nepomuceno sa tiwala ng industriya at nangakong higit pang paiigtingin ang transparency, accountability, at maayos na customs processes. Aniya, ang tagumpay ng BOC ay tagumpay ng bawat Pilipino.