Photo Courtesy of BuCor
Tinatayang aabot sa 1,192 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang nagtapos sa Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd) sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, ayon sa Bureau of Correction (BuCor).
Kabilang sa mga nagtapos ang mga completer mula elementarya, junior high school, Grade 11 at Grade 12, gayundin ang mga lumahok sa Basic Literacy at Accreditation and Equivalency programs.
Ayon sa Schools Division Office ng Puerto Princesa, nakapagtala ang IPPF ng 92% passing rate sa A&E Test o tatlong puntos na mas mataas kaysa noong nakaraang taon.
Isang PDL rin ang nagtamo ng pinakamataas na individual score sa lungsod. Binigyang-diin naman ng BuCor na mahalaga ang edukasyon sa rehabilitasyon at paghahanda ng mga PDL para sa makabuluhang pagbabalik sa lipunan.