Hindi panangga o dahilan ang mataas na survey ratings upang mapahinto ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House prosecution legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., ang pagtaas ng satisfaction rating ni VP Duterte ay walang kinalaman sa pananagutang konstitusyonal, na nakasalalay sa mga ebidensya at hindi sa kasikatan ng isang opisyal.
Ayon pa sa kanya, walang sinumang opisyal ang maaaring makaiwas sa pag-usisa ng batas kaugnay ng mga alegasyon ng paglabag sa Konstitusyon at betrayal of public trust dahil lamang sa suporta ng publiko.
Diin niya, hindi ito isang popularity contest; bagkus, isa itong mekanismo ng constitutional accountability.
Ang huling survey ng Social Weather Stations (SWS) ay isinagawa noong Hunyo 20 hanggang 29, bago pa man magsimula ang paglilitis sa Senado.