Pinagtibay ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang Certification Precondition ng National Irrigation Administration (NIA) para sa Ilocos Norte–Ilocos Sur–Abra Irrigation Project.
Sinang-ayunan ito matapos ang pagsusuri sa Free, Prior and Informed Consent (FPIC) process at sa mga kasunduang napagkasunduan sa mga apektadong Indigenous Cultural Communities (ICCs) at Indigenous Peoples (IPs).
Nagrekomenda rin ang komisyon ng skills training, scholarship, at educational assistance para sa mga maaapektuhang komunidad.
Binigyang-diin din ang pagpapatupad ng mga hakbang sa kaligtasan, emergency preparedness, at malinaw na pagtukoy sa saklaw ng proyekto.
Ayon sa NCIP, layunin nitong maprotektahan ang mga karapatan at kapakanan ng mga katutubong pamayanan habang isinasagawa ang proyekto.