Mahigit 453,000 rehistradong mangingisda ang umaasa sa kabuhayan mula sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary for Fisheries Drusila Esther Bayate na mahalaga ang pangangalaga sa karagatan upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga mangingisda, seguridad sa pagkain, at karapatan ng bansa.
Aniya, malaking bahagi ng suplay ng isda ng Pilipinas ang nagmumula sa West Philippine Sea, na umabot sa halos 20% ng kabuuang marine catch noong 2025.
Gayunman, patuloy na hinaharap ng mga mangingisda ang mga hamon tulad ng mataas na presyo ng gasolina, iligal na pangingisda, epekto ng mga bagyo, at limitadong access sa ilang pangisdaan.
Bilang tugon, pinalalawak ng DA at BFAR ang mga programa para sa mga mangingisda, kabilang ang pagbibigay ng mga bangka, kagamitan, pagsasanay, at tulong pangkabuhayan.
Ayon sa opisyal, ang pagprotekta sa West Philippine Sea ay hindi lamang usapin ng teritoryo kundi pati ng pangangalaga sa kabuhayan ng mga mangingisda at sa suplay ng pagkain ng bansa.