Hinimok ni Philippine Red Cross (PRC) Secretary General Dr. Gwendolyn Pang ang publiko na makiisa at lumahok sa kanilang Nationwide CPR Caravan.
Aniya, layunin nitong maipalaganap ang kaalaman sa wastong pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR), na maaaring makapagliligtas ng buhay sa oras ng emergency.
Inilunsad ang Nationwide CPR Caravan nitong Biyernes kasabay ng pagdiriwang ng 10th National CPR Day. Magtatagal ang kampanya hanggang October 16 at target nitong makapagsanay ng nasa 900,000 indibidwal mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, sa pangunguna ng 102 chapter ng Philippine Red Cross sa buong bansa.
Dagdag ni Dr. Pang, isinusulong din ang Nationwide CPR Caravan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., alinsunod sa Republic Act No. 10871, na kilala rin bilang Samboy Lim Law, at Proclamation No. 511.
