Photo courtesy of Caloocan Police
Para mas maging handa sa ano mang banta, nagsagawa ang Caloocan City Police Station, sa pamamagitan ng Community Affairs Section (CAS), ng Active Shooter Response Lecture sa Maria Clara High School sa Barangay 109, Caloocan City.
Layon ng aktibidad na palakasin ang kahandaan ng komunidad ng paaralan sa pagtugon sa posibleng insidente ng active shooter at iba pang banta sa seguridad.
Tinalakay sa lecture ang tamang pagkilala sa mga posibleng panganib, wastong pagtugon sa oras ng emergency, at mga hakbang upang maprotektahan ang sarili at makaiwas sa pinsala.
Dinaluhan naman ang aktibidad ng humigit-kumulang 500 kalahok, kabilang ang mga school officials, guro, magulang, at mga mag-aaral.
Ayon sa Caloocan PNP, bahagi ito ng patuloy na pakikipagtulungan sa mga paaralan para mapanatili ang ligtas na learning environment para sa mga kabataan.