Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na plano nilang doblehin o triplihin ang laki ng mga inlet o pasukan ng tubig sa mga flood-prone area tulad ng Quezon City at E. Rodriguez Avenue, upang mas mabilis ang pag-agos ng tubig-baha patungong drainage.
Ayon pa kay Dizon, target ng DPWH na buksan muli sa light vehicles ngayong linggo ang C3-Culiat Bridge matapos itong mapinsala ng sunog noong nakaraang buwan.
Tiniyak naman ng kalihim, patuloy ang 24/7 na pagkukumpuni sa nasabjng tulay at nakikipag-tulungan na rin ang ahensya sa pamahalaang lokal upang maiwasan ang muling pagtatayo ng mga bahay sa ilalim nito.
Pagtitiyak naman ng DPWH hinggil sa usapin ng kurapsyon sa ahensya, naka handa silang makipagtulungan sa Office of the Ombudsman ukol sa mga imbestigasyon hinggil sa mga flood control project at iba pang usapin.