Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mas inklusibong polisiya at batas para sa kapakanan ng persons with disabilities (PWDs).
Sa pagbubukas ng ika-48 National Disability Rights Week Legislative Town Hall Meeting sa Pasay City, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Zabedin Azis, na kailangan pang palakasin ang mga umiiral na batas para tugunan ang hamon na kinakaharap ng mga PWD.
Ayon kay Azis, marami pa ring PWD ang nahihirapan sa pag-access ng serbisyo, trabaho, edukasyon, at ransportasyon.
Binigyang-diin din niya na dapat marinig ang boses ng mga PWD sa paggawa ng mga polisiya para maging mas angkop ang mga ito sa kanilang pangangailangan.
Tiniyak ng DSWD ang patuloy na pakikipagtulungan sa National Council on Disability Affairs (NCDA), mga lokal na pamahalaan, at iba pang grupo para sa pantay na karapatan at inklusibong pag-unlad.