Nanawagan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Antonio Nafarrete sa mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre na manatiling matatag at ipagpatuloy ang pagtupad sa kanilang tungkulin.
Ito ay matapos ang insidente ng pananakit ng China Coast Guard sa ilang tauhan ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal.
Sa ambush interview sa Camp Aguinaldo, binigyang-diin ni Nafarrete na teritoryo ng Pilipinas ang Ayungin Shoal at makaaasa ang mamamayang Pilipino na patuloy na gagampanan ng AFP ang mandato nitong ipagtanggol ang bansa.
Sinabi rin ni Nafarrete na may umiiral na rules of engagement na sinusunod ang mga tropa.
Aniya, mahalagang mapanatili ang kanilang propesyonalismo at manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkuling pangalagaan at ipagtanggol ang bansa.